IPINAG-UTOS ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mandatory vaccination para sa lahat ng mga empleyado sa pampubliko at pribadong mga tanggapan na nasa on-site work.
Ipatutupad ito simula Disyembre 1, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
“In areas where there are sufficient supplies of COVID-19 vaccines, COVID-19 vaccination of eligible employees tasked to do on-site work shall be required by all establishments and employers in the public and private sector,” sabi ni Roque.
“However, eligible employees who remain to be unvaccinated may not be terminated but they shall be required to undergo regular RT-PCR testing, or antigen tests, at their own expense,” dagdag pa nito.
Nauna nang pumalag ang mga grupo ng manggagawa sa mandatory vaccination.