Limited F2F training ng Tesda pinayagan

PINAYAGAN na rin ng Inter-Agency Task Force ang limitadong face-to-face na pagsasanay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sinabi ni Presidential Spokesperon Harry Roque na maaari na ang 50 porsiyento hanggang 100 porsiyentong kapasidad ng mga lugar na ginagamit sa pagsasanay na nasa alert level 1 hanggang alert level 4.

Samantala, bawal pa rin ang face-to-face na mga aktibidad sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 5.