ITINANGGI ng Malacañang na pinagkakitaan ng mga taong malalapit kay Pangulong Duterte ang mandatory na paggamit ng face shield kontra Covid-19.
Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan ng Senado ang pagbili ng pamahalaan ng overpriced na faceshields at iba pang medical equipment mula sa kumpanya na malapit sa dating adviser ni Pangulong Duterte.
“Wala pong relasyon ‘yan,” ani presidential spokesperson Harry Roque. “Ang pagsusuot po ng face shields, nakikita n’yo naman sa ating presidential press briefings, ay sang-ayon po sa mga opinyon ng eksperto “
Sinabi naman ni Roque na hindi pa pinag-uusapan kung ipatitigil na ng pamahalaan ang pagsusuot ng face shield.
“Hintayin po natin ‘yong opinion ng WHO (World Health Organization),” aniya.
“I understand that even the WHO will render an expert opinion on whether or not the use of face shields is justified. So, hintayin po natin iyong opinion ng WHO,” dagdag niya. –WC