Pastor Quiboloy hinamon ng debate si Pacquiao

HINAMON ni Pastor Apollo Quiboloy si Sen. Manny Pacquiao ng debate makaraan siyang pagbantaan nitong sasampahan ng kasong cyber libel dahil sa pagkakalat ng fake news.


Ani Quiboloy, kailangang ipaliwanag sa publiko ni Pacquiao ang kuwestiyonableng proyekto nito sa Sarangani na nagkakahalaga umano ng mahigit sa P3 bilyon.


Sinabi rin ng pastor na “karma” ang sunod-sunod na pagkatalo ni Pacquiao.


“Senator Manny, naiintindihan ko naman na masakit yung sunud sunod na pagkatalo mo… sa PDP Laban, tapos kay Ugas. Ang problema lang e public official ka at ako ay private citizen. Yung mga tanong ko sa iyo, of public interest na dapat mong sagutin biluang isang duly elected public official. Ang problema nga lang, yung mga sagot mo sa akin, personal, lumilihis ka sa issue,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Quiboloy handa siya sa mga kasong isasampa sa kanya ng senador. –A. Mae Rodriguez