Mandatory COVID test sa manggagaling sa China posibleng ipatupad

BUKAS sin Pangulong Bongbong Marcos na magpatupad ng karagdagang paghihigpit sa pagpasok ng mga biyahero na galing sa China, kabilang ang panukalang mandatory COVID test harap ng banta ng virus mula sa naturang bansa.

“As long as it’s based on science and we feel that there’s a need, we will do it. But again, it depends on what the true risk is to us,” sabi ni Marcos.

Nauna nang pinaboran ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang mandatory COVID test sa mga Chinese.



“Kung naman it’s something that is manageable, then I’m sure we can find a way to…not completely close our borders to China but to find a way to have a procedure so that those coming from China who may have been exposed or who may have been infected will be tested and ‘yun lang naman ang ating inaalala,” aniya.

Nagpatupad na ng mandatory COVID test ang Amerika at Italy sa mga manggagaling ng China sa harap ng ulat na milyon-milyon kada araw ang tinatamaan ng virus mula sa naturang bansa.