NAGPALABAS na ng travel ban ang pamahalaan sa Malaysia at Thailand sa gitna ng banta ng Delta variant ng Covid virus.
Ani presidential spokesperson Harry Roque, paiiralin ang ban simula Hulyo 25 hanggang Hulyo 31.
Sakop ng travel restriction ang mga galing Malaysia at Thailand sa nakalipas na 14 na araw.
“Passengers already in transit from the abovementioned country, and all those who have been to the same within 14 days immediately preceding arrival to the Philippines, who arrive before 12:01AM of July 25, 2021, may still be allowed to enter the country but will be required to undergo a full 14 day facility quarantine, notwithstanding a negative Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) result,” sabi ni Roque.
Hindi saklaw ng ban ang mga Pinoy na pinauwi ng pamahalaan bagaman kailangan pa rin nilang sumailalim sa protocol. –WC