100 percent ng Pasig senior citizens nabigyan ng first dose

NABAKUNAHAN na ng unang dose kontra Covid-19 ang 100 porsyento ng mga senior citizens sa Pasig City.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, nasa 84 porsyento naman ang mga senior citizens ang kumpleto na ang bakuna.


“Congratulations sa ating accomplishment na 100 percent for eligible senior citizen ay nabakunahan na. Sa second dose naka-84 percent naman tayo,” ani Sotto sa isang event.


Dagdag pa ng mayor, nadoble na ang bilang ng mga residente na nababakunahan mula sa kanilang inisyal na target.


“Nung unang naaprubahan ng DOH ang microplan natin, nasa 5,800 vax per day ang target ng Pasig. Kahapon, umabot tayo sa 11,817 jabs! Nasa DOBLE ng initial target natin!” tweet ni Sotto. –A. Mae Rodriguez