ISINIWALAT ni Malabon City Mayor Antolin “Lenlen” Oreta na positibo siya sa Covid-19.
Sa Facebook post, sinabi ni Oreta na siya ay asymptomatic at tuloy ang pagtatrabaho habang nagpapagaling sa bahay.
“Nagpa-swab test tayo as part of contact tracing. Today, lumabas sa resulta na positive ako sa Covid-19,” aniya.
Sa kasalukuyan ay mayroong 919 active cases sa siyudad.