MAKINIG KA, MIKE DEFENSOR! IVERMECTIN WALA TALAGANG BISA SA COVID-19 — DOH, FDA

IGINIIT ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi nila irerekomenda ang paggamit ng Ivermectin bilang gamot sa Covid-19 dahil wala umanong ebidensya na may bisa ito.

Binanggit ng dalawang ahensya ang anim na trials na isinagawa ng Philippine Covid-19 Clinical Practice Guidelines (CPG) na nagsabing hindi gumaling sa sakit ang mga pasyenteng may moderate at severe na kaso. Hindi rin daw nabawasan ng gamot ang araw ng paggaling ng mga pasyenteng may sintomas.

“Based on the current evidence from randomized controlled trials, the DOH agrees with the COVID-19 Living CPG Reviewers and does not recommend the use of Ivermectin for the treatment of COVID-19,” ayon sa dalawang ahensya.

Ang Ivermectin ay ginagamit pantanggal sa mga parasitikong bulati, kuto sa ulo at kondisyon sa balat tulad ng rosacea. Hindi rin ito gamot kontra virus.

Bago ito, sinabi ni AnaKalusugan party-list Rep. Mike Defensor na bibigyan niya nang libre ang mga residente ng Quezon City na gustong gumamit ng Ivermectin habang naghihintay ng bakuna. “

Sagot ni Cong. Mike Defensor ang IVERMECTIN niyo habang wala pa ang bakuna,” aniya sa kanyang Facebook post.

“Uunahin muna ang mga may sakit, ang mga senior citizens habang limitado pa ang suplay ng IVERMECTIN,” dagdag niya.