PINAYAGAN ni Pangulong Duterte ang pagpapalawig ng limited face-to-face classes sa iba pang degree programs na kailangan ang hands-on experience.
Ayon sa Commission on Higher Education, inaprubahan ng pangulo ang pagdagdag sa mga higher education institutions (HEIs) na nasa ilalim ng general community quarantine na magkaroon ng face-to-face classes.
Una nang pinayagan ng pamahalaan ang limited face-to-face classes para sa mga mag-aaral ng medicine at allied health workers simula Enero ngayong taon dahil kailangan ng kuro ang hands-on experience.
Naglabas si Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Sept. 21 ng authority for face-to-face activities para sa mga susunod na kurso:
Engineering and Technology programs
Hospitality/ Hotel and Restaurant Management
Tourism/ Travel Management
Marine Engineering
Marine Transportation
“The Commission thanks President Rodrigo Roa Duterte for the approval of limited face-to-face classes for the said programs in order to contribute to the efforts to boost the economic recovery of the country, as this will directly affect human resource development,” ayon kay CHEd Chairman Prospero De Vera III.