2 tanod pinaglakad nang hubo 4 bata, kakasuhan

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang dalawang tanod sa Brgy. Lallana, Trece Martires City, Cavite makaraang paglakarin nang hubo’t hubad ang apat na bata na nahuli nilang naliligo sa ilog nitong Miyerkules.

Sa programa ni Raffy Tulfo nitong Lunes, dumulog ang mga kaanak ng tatlong bata at inireklamo ang mga tanod na kinilala lamang bilang Dexter at Nani.

Sa panayam ni Tulfo, sinabi ni brgy. chairwoman Cecilia Decillo na sinuspinde na ang dalawang tanod ng kanilang kagawad.

Ipina-blotter na rin aniya ang pangyayari.

Ayon naman sa resident lawyer ng programa na si Garreth Tungol, maaaring makasuhan ng paglabag sa anti-child abuse law at anti-torture act ang mga tanod.

Nakatakdang ipatingin sa mga psychiatrist ang mga bata habang nangako si Tulfo na pababantayan ang pamilya ng mga ito.