NANINIWALA si Vice President Leni Robredo na posible ang “third surge” ng Covid-19 sa bansa kung hindi gagawa ng mga habang laban sa mas nakahahawang Delta variant.
Sa kanyang lingguhang radio program, sinabi ni Robredo na kailangang matapyasan ang arawang na average new cases na kasing dami pa rin ng mga new cases noong Marso.
“Kung ang base natin mga 5,000-6,000 cases, kapag nagka-third surge, grabe. Pagtulong-tulungan natin para hindi mangyari,” aniya.
Dagdag ni Robredo, dapat ibuhos ang bakuna mula Johnson & Johnson sa mga lugar na may kaso na ng Delta variant.
“Sana unahin ‘yung may danger na magkaroon ng maraming transmission ng Delta variant, para maunahan nila ‘yung transmission,” ani Robredo na sinabing 3.2 milyong Pilipino ang agad bakunado sa 3.2 milyong doses ng Johnson & Johnson na dumating sa bansa kamakailan.