TODO pagmamalaki ni House Deputy Speaker Camille Villar nang sabihin nito na natapos na ng Las Piñas, ang lugar na kanyang nirerepresenta, na mabakunahan ang target population ng syudad.
Anya, natamo na ng lungsod ang 100 percent vaccination rate na una nilang tinarget. May kabuuang 673,359 ang mga taong nabakunahan na sa Las Piñas, base sa tala ngayong araw.
Sa nasabing bilang, 425,000 dito ay naka-first dose na.
Ito anya ay lagpas pa sa unang target ng lokal na pamahalaan.
“We are happy to have achieved this milestone in our vaccination drive as we work together toward achieving herd immunity,” sabi ni Villar.