Bagong highest single-day tally: 22,415 new Covid cases

NAITALA ang pinakabagong mataas na single-day tally ngayong Lunes, Setyembre 6, matapos umabot sa 22,415 ang bagong kaso ng coronavirus disease infections, ayon sa Department of Health.

Nalagpasan nito ang naunang 22,366 highest single-day tally na naitala noong Agosto 30.
Ito ang ikaapat na araw kung saan umabot sa 20,000 mark ang naitalang bagong kaso ng impeksyon.

Karamihan sa mga kasong ito ay dulot ng Delta variant.

Sa kabuuan, may 2,103,331 ang naitalang kaso ng COVID-19, at 159,633 ang aktibo.

Ang bilang ng nasawi mula sa sakit ay umakyat na sa 34,337 at 103 rito ang naitala ngayong araw.