BALIK enhanced community quarantine ang lalawigan ng Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro habang mananatili sa stricter lockdown ang kabuuang bahagi ng bansa simula bukas, Agosto 6 hangggang 15.
Ang mga lalawigan naman ng Cavite, Rizal, ang kabuuang bahagi ng probinsiya ng Iloilo ay inilagay naman sa modified ECQ sa nasabi ring mga araw.
Isinailalim naman sa general community quarantine with heightened restrictions mula Agosto 6 hanggang 15 ang mga lalawigan ng Batangas at Quezon.
Inilabas ng Malacanang ang bagong mga klasipikasyon matapos aprubahan ni Pangulong Duterte ang inihaing rekomendasyon ng pandemic task force.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque inilabas ang mga bagong klasipikasyon matapos kumalat ang mga balita na ang kabuuan ng Calabarzon ay ilalagay sa ECQ kagaya sa Metro Manila simula Biyernes, Agosto 6 hangang 20.
Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na may rekomendasyon na ilagay sa ECQ ang buong Calabarzon gaya sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng higit na nakahahawang Delta variant ng coronavirus disease