Ellen Adarna walkout issue: Sino nagsasabi ng totoo?

SHOWBIZ issue of the day: Actress Ellen Adarna nag-walkout sa taping ng “John and Ellen” ng TV5.


Ayon sa komedyanteng si Long Mejia: “Si Ellen Adarna, hindi pa siya sikat..Mali yung ginawa niya, umalis siya sa gitna ng eksena… Ang salita niya lang sa isang production staff na nadaanan niya, ‘Bye!’ Ano ‘yon?”


“Pagkatapos, hindi ka man lang nagpaalam sa amin. Huwag na sa akin dahil sino ba naman ako? Mahiya siya kay Ronaldo Valdez! Umalis siya at ang naiwang eksena niya, isa sa pinakamahalaga.”


Salag ng manager ni Ellen na si Danel Calixto: “I would like to take this moment to reach out to everyone and address the recent false and fabricated accusations against my client, Ms. Ellen Adarna. These untruthful and upsetting allegations against Ms. Adarna were churned out by websites that chose to cite anonymous sources.”


“In fact, Ms. Adarna’s leading man and line producer of the show, Mr. John Estrada, has issued a statement, saying that Ms. Adarna did not walk out from taping. His understanding was that Ms. Adarna was already done with the shoot that day,” dagdag niya.


According naman sa fiance ni Ellen na si Derek Ramsay: “Hindi totoo nag-walkout, pack up na talaga siya noon. Pero totoo na aalis na siya because priority niya ang anak niya at siyempre mag-aasawa na, so pamilya ang priority. Naintindihan naman namin. Aalis na siya sa show,”


“Ang alam ko lang, binigyan siya ng 12 o’clock lunchtime pero lumagpas pa nga ng lunch, tapos last eksena na niya, umuwi na siya. Ako pa nga ang nag-drive sa kanya pauwi,” dagdag niya. –A. Mae Rodriguez