IDINAOS sa Saint Louis Tuguegarao ang kauna-unahang face-t0-face graduation nitong Sabado makalipas ang halos dalawang taon bunsod ng epekto ng pandemya sa bansa na dala ng coronavirus disease.
Marso 16, 2020 nang ideklara ng gobyerno ang total lockdown dahilan para ipagbawal ang face-to-face graduation ceremonies dahil sa banta ng COVID-19.
May 300 mag-aaral ang nagsipagtapos, at ang lahat sa kanila ay mga bakunado, kabilang na ang mga guro at staff.
Mahigpit namang ipinatupad ng pamunuan ng unibersidad ang mga minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, physical distancing at paglilimita sa bilang ng mga kamag-anak ng magsisipagtapos na maaring dumalo nang pisikal.