SINABI ng OCTA Research Group na nagkaroon ng pagtaas ng mga kaso sa lalawigan ng Rizal matapos umakyat ang positivity rate sa 17.4 porsiyento mula sa dating P12.0 porsiyento.
Idinagdag ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumilis din ang reproduction rate sa Rizal sa 1.25 mula sa 0.90.
“The one-week growth rate increased from -15 percent to 47 percent. HCUR (health care utilization rate) in Rizal was 50.8 percent. ADAR (average daily attack rate) remained low at 3.73 percent,” dagdag ni David.
Aniya, umakyat ang one week growth rate ng Rizal sa 47 porsiyento matapos makapagtala ng 124 kaso mula Setyembre 5 hanggang 11 mula sa 84 sa pagitan ng Agosto 29 hanggang Setyembre 4.