Kaso ng COVID-19 maaring sumipa sa 5K hanggang 10K kada araw- OCTA

SINABI ng OCTA Research Group na posibleng umabot sa 5,000 hanggang 10,000 kada araw ang mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa kalagitnaan ng Mayo.

Idinagdag ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na posibleng umakyat sa 50,000 hanggang 100,000 ang mga aktibong kaso sa bansa sakaling makapasok na nga ang Omicron XE.

“So far, hindi pa naman natin nakikita na baka umabot nang kasing lala noong January pero siyempre … sa ngayon pa lang iyan, puwede pang magbago iyong ating assessment of the numbers,” sabi ni David.

Aniya, binabantayan ngayon ang pagtaas ng kaso sa South Africa at India na batay sa nakaraang mga karanasan ay sumusunod ang Pilipinas.

“Kaya dapat siyempre, tutukan natin iyong mga areas na mababa iyong vaccination coverage para maprotektahan natin sila against severe COVID,” sabi ni David.