INIHAYAG ng Department of Health na higit kalahati ng 37,000 Covid-19 beds sa bansa ay okupado na, kung saan 41 lugar ay inilagay na sa pinakamataas na Covid-19 alert classification.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 70 porsyento na ang health care utilization sa nasabing mga lugar.
Dagdag niya, maaaring isa o higit pa sa mga lugar na ito ay umaapaw na ang mga Covid-19 patients sa mga ospital
Kaya naman pinayuhan ng opisyal ang mga ospital na ilaan ang mga kama at ICUs sa mga severe at critical cases.
Sinabi ni Vergeire na kabilang sa mga lugar na nasa alert level 4 ang mga sumusunod:
METRO MANILA
Las Piñas
Muntinlupa
Pateros
Quezon City
Taguig
Malabon
Makati
San Juan
Valenzuela
Marikina
CORDILLERA AUTONOMOUS REGION
Apayao
Baguio City
Benguet
ILOCOS REGION
Ilocos Norte
CAGAYAN VALLEY
Cagayan
Nueva Vizcaya
Quirino
CENTRAL LUZON
Angeles City
Bataan
Olongapo City
Pampanga
Tarlac
CALABARZON
Batangas
Cavite
Laguna
Quezon
Lucena City
BICOL REGION
Camarines Sur
WESTERN VISAYAS
Iloilo
Iloilo City
CENTRAL VISAYAS
Cebu
Cebu City
Lapu-lapu City
Mandaue City
EASTERN VISAYAS
Tacloban City
Ormoc City
NORTHERN MINDANAO
Bukidnon
Cagayan de Oro City
Camiguin
DAVAO
Davao City
SOCCSKSARGEN
General Santos City
South Cotabato