Covid cases ngayong araw pumalo sa 12K

UMABOT sa 12,021 bagong mga kaso ng coronavirus disease ngayong araw, pinakamataas na nairekord sa nakalipas na apat na buwan.

Sa tala ng Department of Health, umabot na sa 1,688,040 ang kabuuang kaso habang nasa 81,399 ang active cases.

Nasa 9,591 naman ang bagong recoveries at 154 deaths ang nairekord ngayong araw.

Ayon sa datos ng DOH, ang tala ng new cases ngayong araw ang siyang pinakamataas sa nakalipas na apat na apat na buwan.

Huling naitala ang 12,000-mark cases noong Abril — panahon kung saan nagkaroon ng pagsirit ng bagong kaso ng impeksyon.