UMAAPAW na ang pediatric Covid-19 ward ng Philippine General Hospital kung saan karamihan ng mga bata ay nasa kritikal na kondisyon.
“Ang message sanang gusto naming sabihin sa public ay nagkaka-Covid po ang mga bata. Kadalasan po mild lang usually ang manifestation nila. Kaya lang po dahil very transmissible at contagious at sabi nila ‘pag nakuha mo ‘yan mataas ‘yung viral load, may chance po na minsan ‘yung mga bata severe disease ang makukuha nila,” ani PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario.
Idinagdag ni del Rosario na puno na ang pediatric ward na mayroon lamang walong kama. Napuno ito ng pasyente sa loob ng dalawang linggo
“Napansin din namin medyo complicated kaso nila,” aniya. “Meron din kaming dalawang bata na nagkaroon ng multi-system inflammatory syndrome in childhood. Ito po ay dahil sa Covid at parang kumplikasyon ng Covid at nangyayari ito after a few weeks ng Covid at naaapektuhan ang iba-ibang organs.”