Kahit Delta variant laganap na, MECQ hindi pa panahon’

PARA kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pang dahilan para para pairalin ang modified enhanced community quarantine, ang pinakqmahigpit na lockdown status, sa bansa kahit pa marami nang kaso ng local transmission ng Delta variant ng Covid-19.


“Sa ngayon po, wala pa ho tayong nakikita na kinakailangan natin na baguhin ang current na quarantine classification although we are continuously monitoring, ina-assess araw-araw. Kapag may nakita po tayong pangangailangan, atin po iyang irirekomenda,” ani Vergeire.


Nauna nang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagsasailalim sa Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions.


“It will all depend on the trends in the number of cases at saka po iyong whole genome sequencing results natin kung ano ang lalabas,” aniya. –WC