NAG-NEGATIB na si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa COVID-19, base sa kanyang antigen test na ginawa sa kanya.
Gayunman, mananatili pa rin siyang naka-isolate sa loob ng susunod na pitong araw para matiyak na fully recovered na siya.
“I’m ok na, negative na sa antigen for 2 days. But quarantine protocol is 7 days. So working from home now.”
Ayon kay Atty. Jose Dominic Clavano mula sa Office of the Secretary na nagpasabi na umano si Remulla na magre-report siya sa Huwebes.