INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emegency use authorization (EUA) ang Janssen ng Johnson and Johnson.
Sinabi ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na sa kabuuan, lima na ang nabigyan ng EUA ng FDA.
Bukod sa Janssen, nauna nang insyuhan ng EUA ang Sinovac, Gamaleya, Pfizer at AstraZeneca.
“So may lima na po tayo — may lima na po tayong vaccine na mayroon na pong EUA, at ang natitira na lang po ay ‘yong Moderna at saka po ‘yong Novavax,” sabi ni Galvez.