BINALAAN ng Food and Drug Administration ang publiko laban sa pag-inom ng Ivermectin na gamot na iniinom ng ilan bilang panlaban sa Covid-19. Sa advisory, iginiit ng FDA na ang Ivermectin ay ginagamit ng mga beterinaryo para tanggalin ang mga alaga sa tiyan ng mga hayop.
“The registered Ivermectin veterinary products are only approved for use in the prevention of heartworm disease and treatment of internal and external parasites in certain animal species,” sabi ng FDA.
“Ivermectin is not approved by the FDA for treatment of any viral infection,” dagdag ng ahensya.Nauna nang napaulat na may ilang doktor sa bansa ang umano’y nage-endorso sa Ivermectin na mabisang gamot laban sa Covid-19. -WC