INILAGAY ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa limang araw ang isolation days ng mga indibidwal na positibo sa COVID-19 pero asymptomatic.
Ayon pa sa CDC, matapos ang isolation kailangang siguruhin ng indibidwal na palaging suot ang face mask sa loob ng limang araw.
Inirerekomenda din nito ang limang araw na quarantine para sa mga na-expose sa virus na hindi pa nabakunahan o mahigit anim na buwan mula sa kanilang pangalawang dose o higit sa dalawang buwan pagkatapos ng bakuna ng Johnson & Johnson.
“CDC’s updated recommendations for isolation and quarantine balance what we know about the spread of the virus and the protection provided by vaccination and booster doses,” ayon kay CDC Director Rochelle Walensky.
Ang pagbabawas sa 10-araw na quarantine ng CDC ay makakatulong sa mga taong walang sintomas na makabalik agad sa trabaho o paaralan, na may wastong pag-iingat, ayon sa medical adviser ng White House na si Anthony Fauci sa CNN noong nakaraang linggo.
I