Intsik nabakunahan sa Pasay: ‘Walang VIP treatment’ –Mayor

IGINIIT ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na walang ibinigay na special treatment kaya nakapagpabakuna kontra Covid-19 ang grupo ng mga Chinese nationals kamakailan.


Giit ni Rubiano, mga “lehitimong residente” ng siyudad ang mga Tsino at kabilang sa A2 at A3 priority categories o mga senior citizens at persons with comorbidity.


Dagdag ng alkalde, dumaan sa proseso ang mga dayuhan bago binakunahan.


“These individuals, like all the other people who got vaccinated, passed through the normal process, and during their registration, they submitted their barangay certificates and medical certificates indicating that they were residents of the city and they belonged to either the A2 or A3 groups,” ani Rubiano.


Napag-alaman na ilan sa mga nabakunahan ay mga miyembro ng Pasay City Chinese Chamber of Commerce.