Covid-positive nanghawa ng kainuman

ARAL sa mga mahilig tumagay.


Nagpositibo sa Covid-19 ang dalawang residente ng Brgy. Capri sa Quezon City ilang araw makaraan nilang makipag-inuman sa lalaki na dinapuan ng nakahahawang sakit.


Napag-alaman ng otoridad na close contact ang di-kinilalang lalaki ng kamag-anak na nasawi kamakailan dahil sa Covid.


Nang malaman ng mga opisyal ng barangay ang nangyaring inuman ay agad isinailalim sa swab test ang grupo.


Dalawa sa mga tumagay ang nagpositibo sa pagsusuri, ayon sa barangay.


Isasailalim na rin sa test ang kanilang mga nakahalubilo, kabilang ang kanilang mga pamilya at kamag-anak.