ISINAILALIM na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Iloilo Cit simula Mayo 23 hanggang Mayo 31, 2021.
Ito ay sa kabila nang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa lungsod.
Sa ilalim ng IATF resolution number 116-C, sinabi ng task force na mananatili rin sa MECQ hanggang katapusan ng buwan ang lalawigan ng Apayao, Benguet at Cagayan, na nauna nang inilagay sa nasabing estado.
“Upon the appeal of the local government unit, the risk-level classification of Iloilo City shall be escalated to Modified Enhanced Community Quarantine beginning May 23, 2021, until May 31, 2021.
“Resolved further that upon the recommendations of the Screening and Validation Committee, Apayao, Benguet, and Cagayan shall retain their risk-level classification of MECQ until May 31, 2021,” sabi ng IATF resolution.