BINABANTAYAN ngayon ng gobyerno ang Ilang lugar sa bansa dahil sa pagtaas ng kaso coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Hindi naman agad tinukoy ni Nograles ang mga sinasabing lugar na may pagtaas ng kaso ng impeksyon bagamat inatasan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga LGUs na makipag-ugnayan at mag doble sa pagbabantay.
“Meron pa tayong tinitingnan na iba’t ibang LGUs, na inobserbahan pa natin, kung magkakaroon ng mga increase classification or hindi na natin gagalawin,” sabi ni Nograles.
Idinagdag ni Nograles na tumataas ang utilization rate ng intensive care unit (ICU) at hospital beds ng mga nasabing lugar.
“So, hindi ko muna babanggitin ang mga LGUs na yan dahil hindi pa naman naa-assess nang maayos at kumpleto. We will make the proper announcement when the time comes.
Ayon pa sa opisyal, sa pangkalahatan, bumababa ang kaso ng COVID-19 sa NCR Bubble plus.