HINDI pa rin pinagbabawalan ang mga bata na makapasok sa mall dahil hanggang ngayon ay walang rekomendasyon ang Inter-Agency Task Force hinggil dito, ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles.
Gayunman, dagdag ni Nograles, hihigpitan na lamang ang pagpapatupad ng mga health protocol sa lahat ng mga establisyemento para higit na matiyak na ligtas ang mga bata sa loob ng mall.
“So, mayroon pong authority ang mga establishments na doon sa mga hindi nagsusuot ng face mask or hindi kaya magsuot ng face mask – kabilang na po dito iyong mga menor de edad – ay mayroon po silang authority na hindi po papasukin sa kanilang establisyemento,” sabi ni Nograles.
Nauna nang ipinasa sa IATF ng mga mayor sa Metro Manila ang desisyon kung pagbabawalan ang mga menor de edad na pumasok sa mga mall.
“At kami po’y nananawagan sa mga LGUs to ensure that this is strictly being enforced. So ganoon na lamang po ang kasagutan, ang desisyon ng IATF tungkol sa concern po na ‘yan,” dagdag ni Nograles.