INIREKOMENDA ng Covid-19 Inter-Agency Task Force (IATF) kay Pangulong Duterte na isailalim ang Metro Manila, Rizal at Bulacan sa general community quarantine (GCQ) “with some restrictions” hanggang sa Hulyo 15.
Sa public address ni Duterte, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na dapat namang panatilihin ang GCQ “with heightened restrictions” sa Laguna at , .Paiiralin hanggang Hunyo 30 ang GCQ “with heightened restrictions” sa NCR Plus.
Sa nasabi ring rekomendasyon ng IATF, papayagan na ang hanggang 40 porsyentong kapasidad sa mga gym at fitness center sa Metro Manila, Rizal at Bulacan habang hanggang 50 porsyento sa iba pang indoor sports court at 40 porsyentong kapasidad naman sa mga museyo at historical site.
Hindi naman papayagan ang mga ito sa Laguna at Cavite.
Samantala, nais ng IATF na isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Hulyo 1 hanggang 15 ang mga sumusunod na lugar: Cagayan, Apayao, Bataan, Lucena City, Puerto Princesa City, Naga City, Iloilo City, Negros Oriental, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Cagayan de Oro City, Davao City, Davao Oriental, Davao Occidental, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte, Butuan City, Dinagat Islands at Surigao del Sur.
Inirekomenda naman nito na ilagay sa GCQ ang mga sumusunod na lugar. Baguio City, Ifugao, Santiago City, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batangas, Quezon, Guimaras, Aklan, Bacolod City, Negros Occidental, Antique, Capiz, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Iligan City, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur at Cotabato City.
Ang natitira pang lugar sa bansa, dagdag ng IATF, ay paiiralin ang Modified GCQ, ang pinakamaluwag na quarantine status. –WC