PLANO ng mga alkalde ng Metro Manila na gawing house-to-house ang pagbabakuna kapag nagsimula na ang 14-day enhanced community quarantine (ECQ) sa Agosto 6.
Ani Metro Manila Council chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, itutuloy ang pagbabakuna sa NCR kahit pa naka-lockdown ang rehiyon.
“Ang hinihingi lang po ng Metro Manila Council, ‘yun pong additional vaccines para kapag nag-ECQ po tayo, talagang iha-house-to-house na po natin ‘yan. Per barangay na po talaga yung ating vaccination para makuha natin yung proteksyon ng ating community,” dagdag ni Olivarez.
Kaugnay nito, nagpasalamat ang mga alkalde sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa desisyon nitong ilagay ang Metro Manila sa ECQ simula Agosto 6 hanggang 20.
Matatandaang hiniling ng Metro Manila Council na muling ipatupad ang ECQ dahil sa banta ng Delta variant. –A. Mae Rodriguez