Nesthy Petecio lalaban para sa Olympic gold

ISANG laban na lang ang dapat maitawid ng Filipina featherweight boxer na si Nesthy Petecio para makapag-uwi ng ginto.

Ito ay matapos niyang talunin ang mas mataas na Italian boxer na si Irma Testa sa kanilang laban sa semifinals sa Tokyo Games Sabado ng tanghali.

Una nang natalo ni Petecio ang Colombian na si Yeni Marcela Arias Castaneda bago nakapasok sa semifinals.

Haharap si Petecio sa finals sa Martes, Agosto 3, at kung papalarin, siya ang ikalawang Pinay na makapagu-uwi ng medalyang ginto bukod sa weightlifter na si Hidilyn Diaz.