BINIGYAN ng 30 araw na ultimatum ang mga hindi bakunado para makasakay sa pampublikong sasakayan sa harap ng ipinatutupad na ‘no vaccination, no ride’ policy ng pamahalaan.
Sinabi ng Department of Transportation (DoTr) na bibigyan ng palugit ang mga hindi pa fully vaccinated hanggang Pebrero 25, 2022 para makumpleto ang kanilang bakuna.
Batay sa napagkasunduan ng DoTr, Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Department of Interior and Local Government (DILG), papayagan pa ring makasakay ang mga wala pang bakuna o hindi pa kumpleto ang bakuna sa loob ng 30 araw.
Ayon sa DoTr, matapos ang palugit, hindi na papayagang makasakay ang mga walang bakuna.
“This is to ensure that only those fully protected against COVID-19 are safe from using public transport. Data show that workers who remain unvaccinated against the virus that causes COVID-19 are more vulnerable to severe and critical infections,” sabi ni DOTr Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon