Kim Chiu umapela sa bashers: Tama na

UMAPELA ang actress/ host na si Kim Chiu sa mga bashers na tantanan na siya at tigilan na ang pambabatikos sa kanya.

Ito ay matapos akusahan ang aktres ng animal abuse dahil sa naging pahayag nito na bubuhusan ng mainit na tubig ang mga pusang maiingay.

Dahil dito nakatikim ng kaliwa’t kanang batikos ang aktres.

“I really want to remain quiet on this, because this was a month or [two] months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, [because] I know that I will never do it and cleared that [it’s] not really [gano’n] (like that),” ayon kay Kim.

“But as usual some [Marites] will really choose to see the bad on that situation,” she added. “[Gan’on] naman minsan sa atin. Mas gusto ng karamihan palabasin kang… Super mean, yung diin na diin… kahit wala ka naman ginawa pa,” dagdag pa niya.