SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno na inaprubahan ng 17 mayor sa Metro Manila na ipagbawal ang mga mga hindi bakunado na sumakay sa mga pampublikong sasakyan dahil na rin sa paglobo ng bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19).
“Ganun din sa ating pampublikong sasakyan. At yan po’y antabayanan ninyo. Bukas na bukas ia-announce yan ni Chairman Abalos ng MMDA dahil yan ang napagkasunduan naming mga mayor a few hours ago, yung pampublikong sasakyan,” sabi ni Moreno sa kanyang Facebook live.
Nakatakdang ihayag bukas ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjur Abalos ang desisyon ng mga mayor kaugnay ng pagba-ban ng mga unvaccinated na pasahero.
“Antabayanan po ninyo ang aming announcement na inaprubahan ng 17 mayor sa Metro Manila dagdag ni Moreno.