Isko: Hindi bakunado bawal sa mall

INIHAYAG ngayong gabi ni Manila Mayor Isko Moreno na bawal na ang lahat ng unvaccinated sa mga mall sa lungsod sa harap ng tumataas na mga kaso ng coronavirus (Covid-19).

Sa kanyang Facebook live, idinagdag ni Moreno na nakipag-ugnayan na siya sa lahat ng mga mall sa Maynila para ipatupad ang kanyang kautusan.

Aniya, lahat ng mga papasok sa mall sa lungsod ay kailangang magpakita ng vaccination card.

Sakop ng kautusan maging hindi residente ng Maynila, partikular ang batang wala pang bakuna at maging nasa tamang edad na hindi pa nababakunahan.