Health worker na pumalpak sa bakuna huwag i-bully–DoH

NAKIUSAP sa publiko ang Department of Health na unawain na lang at huwag nang i-bully ang health worker ng Makati sa maling pagbabakuna nito.


Nag-viral ang video ng palpak na pagbabakuna sa isang residente ng siyudad na ininiksyunan pero hindi naturukan ng anti-Covid vaccine.


“Let’s not crucify our health workers. Nagkakamali po tayo lahat,” ani DoH spokesperson Maria Rosario Vergeire.


“Ang importante po, we were able to rectify, nabigyan po ulit ng bakuna yung dapat mabigyan ng bakuna,” dagdag niya.


Ayon sa opisyal, maraming health workers ang wala nang pahinga dahil araw-araw ang pasok nila at lumalagpas pa kalimitan sa walong oras ang trabaho.


Nakiusap din si Vergeire sa mga lokal na pamahalaan na bantayan ang mga vaccination sites at ang mga health workers.


“Let’s limit the time of our healthcare workers to just specific to eight hours. ‘Wag nating palagpasin. Magkaroon tayo ng pagpapalit or rotation para nakakapagpahinga rin po, lesser mistakes,” dagdag niya.
Pinaalalahanan naman niya ang mga health workers na maging maingat at alisto sa pagbabakuna.