INATASAN ng Palasyo ang Food and Drug Administration (FDA) na aksyunan ang napapaulat na ilegal na bentahan ng Ivermectin.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dapat makipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa FDA sa operasyon nito kaugnay ng pagkalat ng Ivermectin sa merkado.
“To ensure the safety and welfare of the public and at the same time avoid any unnecessary conflicts, the Food and Drug Administration has been directed to take the lead in determining the course of action against the illegal trading/dispensing of Ivermectin,” sabi ni Roque.
Binigyang diin ni Roque na ang ipinagbabawal ay ang pagbebenta ng Ivermectin na para lamang sa mga hayop ngunit pinagagamit sa tao.
“Having said this, we advise the public to seek the advice of medical practitioners before taking medicines and/or supplements,” dagdag ni Roque.
Tiniyak naman ng opisyal na minomonitor ni Pangulong Duterte ang kaganapan kaugnay ng Ivermectin sa bansa at buong mundo.
Una nang pinayagan ng Malacanang ang clinical trials para sa Ivermectin bilang posibleng gamot sa COVID-19.