Di nagustuhan ang gupit? Barbero tinodas ng mag-ama

PINATAY sa bugbog ng mag-ama ang kaalitan nilang barbero sa North Caloocan Martes ng gabi.
Dead on the spot ang di-pinangalang biktima, residente ng Brgy. 181, na nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan.


Nahaharap naman sa kasong murder ang mag-amang Jon at Benny na nadakip matapos ang pagpatay.


Ayon sa ulat, natutulog ang biktima sa kanyang bahay nang sugurin at pagtulungan ito ng mga suspek.


Inamin naman ng isa sa mga suspek ang krimen at sinabing matagal nang may atraso sa kanila ang biktima.


Peroo todo-tanggi ang pamilya ng biktima na may kaalitan ito.