INAPRUBAHAN ng Interagency Taskforce on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila simula sa Setyembre 8, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.
Gayunman, wala siyang ibinigay na detalye kung palalawigin pa ang modified enhanced community quarantine o magbabago ang klasipikasyon nito sa mga susunod na araw.
Matatandaan na una nang nagsalita si Interior Secretary Eduardo Año na posibleng ipatupad ang granular lockdowns kapalit ng community quarantine classification ngayong buwan.
Naniniwala ang pamahalaan na mas makabubuting magpatupad ng kanya-kanyang lockdown ang mga lokal na pamahalaan kaysa ilagay ang buong rehiyon sa iisang quarantine classification.