GOBYERNO WALA NANG PERA; BAGONG ECQ EXTENSION DI NA UBRA

WALA nang balak ang Malacanang na palawigin pa ang enhanced community quarantine pagkatapos ng Abril 11.

Ito ang sinabi ngayon ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos matanong kung posibleng i-extend muli ang ECQ sa susunod na linggo dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease.

Ayon kay Roque, wala nang pera ang gobyerno para tustusan ang hiling na ayuda ng mamamayan kung sakaling magtuloy pa ang ECQ sa National Capital Region at lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

“Budget Secretary [Wendel] Avisado said that we have no more funds for ayuda, and Congress currently is on recess. So, in case we need a supplemental budget, we would have to request a special session,” pahayag ni Roque sa panayam sa telebisyon.

“I don’t think ECQ for a third week is actually a possibility,” dagdag pa nito.