GCQ sa NCR Plus posible simula Mayo 15 –Palasyo

SA patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso ng Covid-19, posibleng nang ideklara ang general community quarantine (GCQ) sa NCR Bubble simula Mayo 15, ayon sa Malacañang.


“Pursuant to the formula, it’s possible,” sabi ni presidential spokesperson Harry Roque.


Pero idinagdag ni Roque na kailangan munang hintayin ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).


“I will not second guess the IATF. Again the final decision rests on the IATF,” aniya.


Nauna nang sinabi ni OCTA Research fellow Guido David na pabor siya sa mas maluwag na community quarantine status sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.