GCQ pwede na sa NCR Plus

PABOR si OCTA Research Group fellow Guido David na magdeklara na ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal simula Mayo 15 sa harap ng patuloy na pagbaba ng mga kaso ng Covid-19.


Sa isang panayam, sinabi ni David na bagaman wala pang opisyal na posisyon ang OCTA hinggil sa isyu, personal siyang umaayon na maaari nang tapusin ang modified ECQ sa NCR Bubble plus.


“Wala pang posisyon ang group namin, pero ako, personally, since sinabi natin na kapag napababa natin yung cases, definitely, we could look into GCQ,” ani David.


Idinagdag niya na sa kasalukuyan ay nasa 0.67 na lamang ang reproduction rate sa Metro Manila; negative 27 percent naman ang average weekly growth rate at nasa 2,100 na lamang ang average ng kaso ng COVID.


“So, malaki ang ibinababa. In fact, nasa 2,100 na lang average natin, umabot tayo as high as 5,500 malaki na ‘yung nabawas from the peak. Ngayon we anticipate na by next week, May 14, less than 2,000 cases per day na yan, so, definitely, magiging factor ‘yan for the national government kapag tinitingnan nila about reopening the economy,” paliwanag pa ni David.