SA Lunes malalaman kung tuluyan nang magluluwag sa community restriction ang Metro Manila at mga kalapit probinsiya nito.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Huwebes hinggil sa kung mananatili ba sa general community quarantine o ilalagay sa mas maluwag na modified general community quarantine ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite sa Hunyo 1.
“Everything else being considered, there is a likelihood na mas magluluwag ang ating quarantine classification pero kagaya ng sinabi ni (Metropolitan Manila Development Authority) Chaiman (Benhur) Abalos, ang mga mayors are of the belief and they have recommended na unti-unti iyong gagawin nating pagbubukas ng ekonomiya,” dagdag ni Roque.
Nakatakdang magpulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa gagawing rekomendasyon kay Pangulong Duterte.
“So, tingnan po natin. It could be announced by the President himself on the 31st or it could be announced earlier after maproseso iyong mga appeal ng ilang mga LGU. Pero considering that Monday is the 31st, I prefer that the President be the one to announce it,” dagdag pa ng opisyal.