GCQ bubble huwag nang i-extend’

GCQ NOT EXTEND

UMAASA ang Department of Trade and Industry na hindi na palalawigin pa ang general community quarantine bubble sa NCR Plus matapos ang April 4 deadline nito.


Ani DTI Undersecretary Ruth Castelo, maaari namang maprotektahan ang kalusugan ng publiko sa muling pagbubukas ng negosyo kung susunod lamang ang taumbayan sa minimum health protocols.


“Kung tatanungin mo ang DTI, gusto na sana natin na mag-open na ulit sa April 5,” ayon sa opisyal. “That’s why we appeal to everyone, lahat tayo sama sama, tulong tulong na mapababa yung surge para makapag-open na tayo nang tuloy-tuloy.”


Sa dalawang-linggong bubble, bawal ang dine-in sa mga restaurant at sarado rin ang mga spa at gym.