NAGLAAN ang Foodpanda, isang online food and grocery delivery platform, ng mahigit sa P3.5 milyon bilang cash incentive at pa-raffle upang mahikayat ang mga drivers na magpabakuna kontra coronavirus disease.
Ang mga delivery riders ay kabilang sa mga tinatawag na economic frontliners at bahagi ng A4 priority group sa vaccination program ng pamahalaan, ayon sa Foodpanda sa isang kalatas.
Dahil dito, naghanda ang Foodpanda ng pondo para bigyang insentibo ang mga drivers na makakakumpleto ng kanilang mga vaccine.
Gayunman, wala pang ibinigay na detalye ang Foodpanda sa kung paano ang gagawing distribusyon ng nasabing incentive.
“As a company that brings food and essential goods to millions of households, we believe that we all have a stake at helping ensure our collective safety and wellness in the community,” ayon kay Foodpanda Philippines Managing Director Daniel Marogy.