KUMPIYANSA ang Department of Education (DepEd) na tuloy na ang face-to-face graduation at recognition para sa school year 2021-2022.
Sa isinagawang EduAksyon Virtual Regional press conference ng DepEd Region IX, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na umaasa siyang makapagsasagawa na ng on-site graduation ang mga paaralan ngayong taon.
“Yung risk assessment natin sa mga different regions, sa mga different schools ay nag-improve. Pag nagtuloy-tuloy ito, the chances of being allowed to conduct face-to-face graduation also increases. Sunod-sunod yan pag nag-opening ka ng classes, nag face-to-face (classes) ka, physical graduation rites are also possible,” sabi ni Briones.
“Ang hope lang natin, maabutan ng graduation season natin na hindi naman abutan ng hindi magandang balita kung may biglang pagbabago,” ayon pa kay Briones.